-Ano ni Muse?-
Masaya ang Pasko
Masisilip ang ngiti sa bawat tao
Masigla ang paligid
May pag-ibig sa apat na sulok ng silid
Maligaya tuwing Pasko
Makikita kung minsan, lahat may regalo
Maliwanag ang lugar
May tawanan din at ito’y bulgar
Masasagot ba sa Pasko
Mga tanong ng ibang tao?
Maari bang makahingi kami,
May tulong bang darating, kahit kaunti?
Maganda ang Pasko
Madadama ang kabutihan sa puso
Maabot ang kamay ng iba
May gagabay sa’yo at di ka na mag-iisa