Huwag Niyo Na Lang Pansinin, Wala Lang Naman Akong Magawa


Maraming hindi nakakaalam na kung gaano kalakas ako mantrip, katumbas yun ng lungkot na nadarama ko.

Minsan lang naman mangyari ang ganito. Hindi palagi. Pero, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ko ng ganitong kakayahan. Siguro, maari na kong makuntento sa pagpapasaya ng ibang tao. Dahil nagiging masaya na rin ako kahit papaano kapag ginagawa ito. At dahil sa mga trip ko, sa mga kalokohan ko, nakikita ko na nakangiting tumatawang humahalakhak at masayang maligayang nagagalak. Kahit nagmumukhang tanga/baliw/siraulo, sa harap ng maraming tao, ayos lang. Kasi, tinatawanan nila yung tao na alam naman nilang may topak. Hahaha… Saka sanay na kase akong magmukhang tanga simula nung bata pa ko. Bakit? Kasi ipinanganak akong walang alam. Oh ‘di ba! Anong tawag dun, TANGA! Pero mas tama kung sasabihin kong BOBO! Tapos, lumabas ako ng BAHAYbata na walang damit, eh kahit underwear wala. SIRAULO tawag sa ganun. Hanggang ngayon wala pa rin akong pinagbago. Katulad na lang ngayon, habang sinusulat ko ito, kinakausap ko sarili ko. KABALIWAN tawag dun.(Kaya ikaw, habang binabasa mo ito, para na din na binabasa mo na rin ang nabasa ko.)

Pagkatapos mong mabasa ito, siguro ang iba sa inyo ang sasabihin, “Oo nga, ganyan siya.” Tapos yung iba ang sasabihin, “Ah, ganun pala siya.” Kapag natapos mong mabasa ‘to, ibig sabihin nun, kilala mo na ng lubos ang ugali ko. Hahaha, Joke lang! Yung nakasulat diyan, isa pa lang yan sa mga katangian ko. (malamang :) )

Alam niyo ba dati, hindi ko ma-describe yung sarili ko. Ang nilalagay ko na lang, MABAIT, MASIPAG, AT KUNG ANU-ANO PANG MERONG “MA” SA UMPISA. Pero ngayon, kilala ko na nga sarili ko.( Sino nga ba ako? Ako ay isang taong nabubuhay sa mundo ng KATAMARAN at KATATAWANAN. :) )

Kayo, kilala niyo na ba sarili niyo?

.

.

.

-Ano Ni Muse?- :)