Pag Ibig Na Kumukupas Ngunit Di Naglalaho
-Ano Ni Muse?-
Kung may mga bagay na nauuwi lamang sa wala
At ang mga salita sa tulang ito’y hindi tugma
Sigurado naman ako na tunay at tapat sa’yo sinta
Dahil ayaw ko nang maulit na
Mangyari pa muli, kahit minsan pa
Na mayroong masaktan pa muli, lalo ka na
Minsan may mga bagay na maganda ang kinalalabasan
Ngunit di maiiwasan na magbago ang katapusan
May bahid ng pagtataka at pangamba sa isipan
Sapagkat gusto ko lang na malaman at matandaan
Ang pag ibig na kumukupas ngunit di naglalaho, magpakailanman